0

Isang Pasasalamat sa mga Taon ng Biyaya.

Pagmamahal: Ang Pinakapuso ng Misyon

Fr. Rey B. Araneta, CM

Isang maalab na pasasalamat ang ibinubuga ng nag-aapoy kong puso!

Ito marahil ang resulta sa kamakailan lang na ginanap na ordinasyon sa pagkapari at diyakono noong Agosto 14, 2010 sa Santuario de San Vicente de Paul.

Punung-puno pa ako ng enerhiya noong unang araw matapos ang aking ordinasyon bilang pari, nang ako’y naimbitahan kaagad na magmisa sa patay. Nagkaroon agad ako ng mga pangamba na baka magkasunud-sunod na ang mga misa ko sa patay o palagi na lang akong magmimisa sa patay. Para bang ito’y isang hindi magandang simula bilang isang bagong pari. Naisip ko rin kasi ang biro na kung ano man ang unang misa mo, iyan na ay sunud-sunod. Nagkatotoo nga yata dahil mula noon, puro mga misa sa patay na ang  kadalasang itinawag sa akin. Kasabay din nito ang mga misa pasasalamat ko sa iba’t ibang komunidad at simbahan.

Naobserbahan ko na kapag nagmimisa ako sa patay, very uncomfortable ang mga maybahay na marinig ang salitang PASASALAMAT. Ang iniisip kasi nila, baka mauulit ang nangyari at may mas marami pang mamamatay. Ito’y walang pag-kakaiba sa mga pangamba ko. Hinukay ko na rin ang lahat ng lakas ko upang ilaban sa mga pangamba at takot kapag nagmimisa sa patay.

Read the rest of this entry »